MERKANTALISMO
Ang
blog na ito ay binuo ng limang estudyanteng nagnanais na magbigay alam sa mga
mambabasa tungkol sa isang sistemang namayani na gumagabay sa mga patakaran ng
maraming bansa sa daigdig, na ang konsepto ay ang yaman ng bansa ay nababatay
sa kabuuang dami ng ginto at pilak. Ang kaisipang sistemang ito ay tinatawag na:
Noong unang panahon, Merong isang namayaning sistemang pang-ekonomiya ang
gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig. Pinaniniwalaan nitong
ang bansa ay mapapayaman sa pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at
pagsuporta sa pag-export. Ito ay tinatawag na Merkantalismo, na
nababatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto’t pilak.
Nasimulan ito noong ika-16 hanggang ika-18 siglo.
Nagkaroon ng
ganito dahil sa paniniwala ng mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto’t
pilak sa katuparan ng kanilang adhikain. Pinaniniwalaan nila na katumbas ng
kapangyarihan ang yaman. Naniniwala rin sila na dapat ang presyo at halaga ng
kalakal ay nasa pantay-pantay na kategorya.
May Tatlong Paniniwala sa sistemang ito.
➼Una, ang pagluwas ay mainam sa kalakalan
para sa loob ng bansa at sa mga karatig lugar, ikalawa, ang kayamanan ng bansa
ay nakasalalay sa taglay nitong ginto at pilak, at ikatlo, ang pakikialam ng
gobyeno sa pambansang ekonomiya ay makatwiran,kapag pinairal ito upang matamo
ang kaunlaran ng bansa. Mahalagang bahagi ng merkantilismo ang kolonyalismo o
ang pananakop ng mga lupain. Sa pagsasakatuparan nito, ginalugad at sinakop ng
mga merkantilista ang mga lupain na makapagtutstos sa kanila ng ginto o maging
ang mga kalakal na likas na wala sa kanilang hawak na bansa.
➼Buwis at
pagpapahirap sa mga alipin ang nagbunsod sa tao upang magbalak ng rebolusyon
➼ Ang Merkantalismo ang may dahilan kung bakit
napalakas ang kapangyarihan ng mga mananakop. Ito rin ang dahilan sa pagyaman
ng Portugal. Ito ang nagbigay-daan sa pagaagawan sa kolonya sa bagong daigdig. Umunlad
naman ang komersyo sa France dahil sa pagpapatupad ni Jean Baptiste Colberto
ng merkantalismo dito. Pinahintulutan naman ni Queen Elizabeth I ang East India
Company na palaganapin ang omersyo sa Asya at kalapit bansa sa Silangan.
Ipinairal naman ang mga batas tulad ng Navigation Acts upang dagdagan
ang salapi at kapangyarihan ng bansa.
*Jean Baptiste Colberto
Isang French politician na naglingkod bilang Minister ng Pinansya ng Pransya mula 1665 hanggang 1683 sa ilalim ng pamumuno ni King Louis XIV.
➼ Isang
magandang halimbawa ay ang isinagawa sa Pilipnas ng mga Espanyol. Hindi
pinahintulutan ang mga kolonya na magtatag ng industriya na maaaring
kakompetensiya nila sa paglikha ng mga produkto. Naging tungkulin ng mga
kolonya ang pagtustos ng mga panangkap at pagkonsumo ng mga kalakal na ginawa
ng bansang mananakop. Ito ay naging mahalagang parte ng mundo sapagkat ito ay
nagbigay ng balanse sa yaman ng mundong ito. Ito ay naging daan upang umunlad
ang ating mundo.
Dagdag Kaalaman:
Na nagkaroon ng pagbili ng mga alipin noong panahon ng Merkantalismo, dahil
kinailangan nila ng mga magtatrabaho sa kanilang mga taniman. Nagwakas ang
kalakalan ng mga alipin pagkatapos ng digmaang sibil noong 1861-1865.
Repleksyon
➼Aming napagtanto, na ang Merkantalismo ay
isa sa mga humubog sa mundo natin ngayon. Isa itong tanda na nagsimula ng umunlad
at maging sibil ang mga tao. Hindi nawala ang Merkantalismo, makikita mo parin
ito hanggang ngayon. Ang unang paniniwala ng Merkantalismo na “Ang pagluwasay
mainam sa kalakalan para sa loob ng bansa at sa mga karatig na lugar.” Ay
makikita mo parin ngayon. Dahil sa patuloy na pagangkat at pagluwas ng mga
produkto sa bawat o lugar papunta pa sa ibang lugar. Ang pagangkat ng mga
produkto ay nakakapagpataas sa ekonomiya at industriya ng isang bansa.
Ang Merkantalismo ay isa ng bakas ng pagunlad ng ating
mundo noon, na humubog sa ating mundo ngayon kaya wag nating kalimutan ito.
TO GOD BE THE GLORY!
Adrian Atienza
Ahimsa Kyrie Baluyot
Tarah Franchesca Manalo
Francesca Irah Mapa
I AM A BIG FAN I LOVE YOUR WORK
TumugonBurahin