ANG
PAGLAKAS NG MONARKIYA
PODER CONSOLIDADO
(PINAGYAMANG KAPANGYARIHAN)
ni
Gabrielle Suarez
Sa pagtingin ko sa paligid, sa paglibot ng aking
mga mata sa kasalukuyan, nanumbalik ang kasaysayan. Sa tuwing lalabas sa balita
ang nagkakagulong welga sa daan at ang pangakong binibitawan ng mga pulitiko,
napapansin ang nakaraan. Ang dating pamahalaang umusbong sa kamunduhan ng mga
monarko. Ang kagahamanan sa kapangyarihan ang naging dahilan ng pagyaman at
pag-unlad ng mga bansang gutom sa ginto at uhaw sa lupang sakop.
Sa Espanya, kung saan ang mga hari’y ganid sa kayamanan, sakim sa kapangyarihan.
Ngunit sila ay sadyang may ipinaglalaban at ang bawat aksyong kanilang
binibitiwan ay may dahilan. Kaya ang bawat mamuno rito ay mayroong
kanya-kanyang ipinapairal na patakaran.

v Reyna Isabella At Haring Ferdinand
Umangat
ang Espanya sa pamumuno nina Reyna Isabella at Haring Ferdinand ng Aragon sa
Espanya na ikinasal noong 1460s. Sa kanilang panunungkulan ay: Napag-isa ang
mga namana nilang kaharian sa pamamagitan ng pag-alis ng ilang mga aristokrata
sa kanilang panunungkulan at pagpayag sa pagpapakasal ng mga aristokrata sa mga
kasapi ng pamilya ng kaharian upang magkaroon pa ng mas kagalang-galang na posisyon
sa pamahalaan; Nagkaroon ng kakayahan ang Simbahan na maghalal ng Obispo sa
Espanya at sa mga kolonya nito sa Amerika. Binago rin nila ang mga patakaran ng
Simbahan at sa kalauna’y nakakuha
ng pondo mula rito upang gamitin sa mga pambansang proyekto; Napuwersa ang mga lugar na
sakop tulad ng Granada at ang mga taong Muslim na sakop ng Espanya na
magpabinyag bilang mga ganap na Katoliko noong 1502; Naipatupad muli ang inquisition
o ang paglilitis sa mga pinaghihinalaang erehe; at Pinalayas nila ang mga Hudyo
na tutol sa pagpapabinyag bilang Katoliko.
v Charles V
Sa
kanyang dugong bughaw, nagpatuloy ang pagdaloy ng kolonyalismong pangkaisipan.
Nasakop niya ang Mehiko, Peru, at ang katimugan ng Estados Unidos. Ito ay para
ulit sa pagpapasakamay ng mga ginto at pilak na panustos ng bansa.
v Philip II
Sa kanyang pamumuno nang mula 1556 hanggang 1598 ay:
Napalakas niya ang Espanya at ang Simbahang Katoliko; Inusig niya ang mga
Protestante at Muslim, at ginawa niyang Katoliko ang Granada, Aragon, at
Castilla sa Spain; Pinalaya niya ang 10,000 Kristiyanong alipin ng mga Ottoman
sa pamamagitan ng pakikipagsanib-puwersa sa Santo Papa at sa Republika ng
Venice, at paggapi sa mga Ottoman na umaatake sa mga barkong Espanyol sa
Mediterranean Sea noong 1570 sa labanan malapit sa daungan ng Lepanto sa
Greece; Napasakamay niya ang Portugal nang mamatay ang hari nito noong 1580; at
napasailalim din ng Spain ang Netherlands noong nagtaas ng buwis para sa mga
mangangalakal na Espanyol, ngunit dahil sa pag-aalsa ng mga Olandes sa
pangunguna ni William of Orange/William the Silent, ay naideklara ng United
Netherlands at mga Protestante sa hilaga na republika ang bansa nila, ngunit
lumipas din ang panahon bago iyon natanggap ng Espanya.
Ganito
man ang uri ng pamamalakad ng Espanya sa kasaysayan, mapang-imbot, mapaghangad,
mapangkamkam, sakim, ganid, at maramot, ang mga nanguna at namuno rito ay may
iisang layunin lamang, ang mapaunlad ang nasasakupan. Maraming natatapakang tao
at nasasagasaang buhay, ngunit mas nananaig sa kanila ang kaisipang
kolonyalismo. Dumadaloy sa dugo nila ang bughaw na kulay ng ginintuang
kayamanan at kapangyarihan. At kahit makamit pa ang rurok ng kadakilaan,
patuloy pa rin ang pagpapayaman ng kapangyarihan.
SAESNEG
NI JULIANNA MARIONNE G. SANTOS
Ang Inglatera ay nasa ilalim ng
monarkiya simula pa noong ika-9 na siglo. Ito ay dumaan na sa maraming uri ng
repormasyon na nag-dulot sa pagkabuo ng Parlamento. Ang mga monarka sa
modernong panahon ay nananatili na lamang simbolo ng bansa ngunit ang batas na
nito ay dumadaan sa 650 tao na nagmula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay mula sa
mga guro, estudyante, doktor, pulis, at mga dugong bughaw. Ang uri ng
pamahalaan na ito ay tinatawag na “constitutional monarchy”. Ang constitutional
monarchy ay ginagamit ng Inglatera mula pa noong ika-15 siglo.
Ito ang uri ng pamahalaaan na nagsulong sa nais ng mga mamamayan na makibahagi
sa paggawa ng mga batas ng bansa at upang matamo ang nais na magkaroon ng
demokrasya. Ilan sa mga monarka na nagiwan ng malaking ambag sa kinabubuti ng
bansang Inglatera ay sina:
Elizabeth I
Siya ang tinaguriang “Huling eredera
ng mga Tudor”.
Ipinanganak
noong ika-7 ng Setyembre, 1533 kina
Haring Henry VIII at ang kaniyang pangalawang asawa na si Anne Boleyn. Siya ay
namuno sa loob ng 45 limang taon matapos pumanaw ang kaniyang mga kapatid na
nanguna sa kaniyang manuno. Ang kaniyang pamumuno ay tinatawag na Elizabethan era
o “Ang
ginintuang panahon ng Inglatera. Siya ang nagtatag ng matibay na pundasyon ng
simbahan ng Inglatera at ang nagtatag ng kompormiso sa pagitang ng simbahang
Katoliko at Protestante na maaaring nagligtas sa Inglatera mula sa giyerang panrelihiyon noong ika-16 siglo. Siya ay
nagtatag ng 600 opisyal at isang katarungan ng kapayapaan na humahawak sa
kaayusan at kalagayang pangekonomiya ng bansa. Siya ay nataguriang “The Virgin Queen” at tinatawag ding
“Gloriana” sapagkat siya ay hindi na nag-asawa at inilaan niya ang
kaniyang buhay na naglilingkod sa kaniyang buhay at sa Diyos. Ang kaniyang mga
proyekto ay nagresulta sa pagyaman ng
bansa at pagiging makapangyarihan nito dahil sa lakas ng pangangalakal ng mga
hilaw na materyales sa iba’t ibang bansa. Pinalawig rin nito ang kalakalang pandaigdig,
hukbong pandagat, at paglalakbay dagat upang makahanap ng mga bagong lupain.
Ito rin ay isa sa mga bilang na bansa na nakakolonisa sa bansang India. Siya
ay nag-iwan ng malaking utang na patuloy na binayaran ng mga humalili sa kaniya
sa trono sapagkat kinulang ang pondo ng pamahalaan dahil sa mga giyera at mga
magarbong pagtitipon. Siya ay pumanaw noong ika-24 ng Marso,1603 sa Palasyo ng
Richmond.
James I ng England at VI ng Scotland
Dahil sa kawalan ng anak ni
Elizabeth, ang humalili sa kaniya ay ang anak ng kaniyang pinsan na si Reyna
Mary Stuart ng Scotland na si James. Ang kaniyang paghalili ang nagbuo ng unyon
ng hating nasyon ng Inglatera at Scotland. Siya rin ang sinasabing inspirasyon
ng isa sa mga sumikat na akda ni Shakespeare na “Macbeth” o ”The Scottish Tradgedy of Macbeth”. Siya ay 36 na taong hari ng
Scotland bago pa man niya pamunuan ang Inglatera. Sa kaniyang pamumuno, hindi
niya tinanggap ang kahilingan ng mga puritan, ang mga pangkat ng mga may
layuning dalisayon ang simbahang Anglikan. Sa kaniyang paghalili sa trono
nagkaroon ng pagbabago sa bibliya natinatawag na “The King James Version” na hanggang sa kasalukuyang
panahon ay ginagamit. Matapos humarap sa madaming giyera kaniyang pinaayos sa
arkitektong si Inigo Jones ang Whitehall. Nabuo ang “Pariament of 1641” kung saan ito ay
nagtagal lamang ng 8 linggo dahil sa isinangguni nitong “Great Contract” kung
saan ang monarka ay magkakaroon lamang ng bahagi ng pondo na nakalaan sa
kanilang pangangailangan upang matustusan ang pangmilitar na
pangangailangan ng Inglatera. Siya ay
pumanaw noong 1641 habang ang England ay nasa bingit ng gyera laban sa mga
espanyol.
Charles I ng Dakilang Britaniya
Siya ang anak ni James I at Anne ng
Denmark na ipinanganak noong ika-19 ng Nobyembre, 1600. Siya ay namuno mula noong pumanaw ang
kaniyang nakatatandng kapatid na si Prinsipe Henry at tinaguriang “Pangalawang Haring Stuart ng
Dakilang Britanyia”noong 1625. Sa kadahilanang siya rin ang
nararapat na hari ng Scotland, ang dalawang bansa ay pinagisa at tinawag na “Great Britain”. Madalas niyang
makaaway ang parlamento kaya’t ito ang nagdulot sa pagkabo ng “Petition of Rights”.
Nagkaroon ng tatlong gyerang sibil sa ilalaim ng kaniyang pamumuno, laban sa
mga scotts noong 1637, laban sa Ireland noong 1641, at laban sa Inglatera noong
1642. Pinilit niyang ipinapagamit sa mga Scottish na simbahan ang Anglican
Prayerbook na nagresulta sa giyera laban sa mga scotts. Nang magsimula ang
giyera, siya ay nanawagan sa parlamento na siya ay bigyan ng pondo at ito ay
tinanggihan ng parlamento na nagresulta sa pagtatapos ng parlamento na
tinatawag na “short
parliament” sapagkat ito ay tumagal lamang ng 3 linggo. Matapos ang mga
giyerang sibil, nagkaroon ulit ng pamibagong eleksyon ng parlamento na
tintatawag na “long
parliament”. Noong ika-20 ng Enero, 1649, siya ay nakasuhan ng pagtataksil sa
lupain ng england at siya ay pinugutan ng ulo sa Whitehall noong ika-30 ng
Enero, 1649.
Sa
kasalukuyan, Ang Dakilang Britaniya ang isa pinakamayamang bansa sa buong
mundo. Ang kasalukuyang monarka nito na si Elizabeth II ay mahigit 65 taon nang
naka-upo sa trono. Ang mga pagbabago na iniambag ng kanilang ninuno ay
nagdudulot ng malaking pakinanabang para sa mga mamayan ngayong kasalukuyan.
Ang mga monarka ay meron rin naming mga pagkukulang ngunit kanilang
isinasangguni ang problema ng kanilang mga mamamayan at inuuna ang ikabubuti at
ikakaunlad ng kanilang minamahal na bayan. Sa mga pagkakamali at mga
pagbabagong naidulot ng mga monarka noon ay patuloy na nagbibigay liwanang at
solusyon sa mga problema at katanungan ngayon.
*Ang
mga impormasyong nakalap ay nagnula sa librong “Kayamanan (Kasayasayan ng
Daigdig) Binagong Edisyon 2017” at sa opisyal na
website ng kaharian ng Inglatera (www.royal.uk).
Monarkiya: Pransiya
NI KEVERN JOEBERT C. ANGELES
Ang dinastiyang Merovingian ay ang unang lipi
ng mga hari sa Pransiya. Nagmula ang Merovingian sa Meroverch,
ama ni Childeric I, ang pinuno ng mga Salian Franks. Siya ay sinundan ng
kanyang anak na si Clovis I. Pinalawig ni Clovis I ang kanyang pamamahala sa mga teritoryo ng mga Ripuarian Franks at ang
Alemanni. Sa kanyang pagkamatay ay nahati ang kanyang nasasakupan sa kanyang apat na anak: Theuderic I, Chlodomir, Childebert
I, at Chlotar I. Nang nagdaan ang 561, silang apat ay namatay
at muling napag-isa ang kaharian ng Franks.
Dinastiyang Merovingian
Nang 561, ang kaharian ay muling nahati sa magkakapatid: Charibert
I, Guntram, Sigebert, at Chilperic I. Nagkaroon ng mga alitan at kaguluhan sa
kaharian na nag-udyok ng pagmumuling-ayos ng kaharian ng Franks. Muling nakamit
ang pagkakaisa ng
mga Franks noong 613 nang maging hari sa Chlotar II, anak ni Chilperic I. Sa
pagkamatay ng anak niyang si Dagobert I noong 639, ang kaharian ay muling nahati. Ang mga sumunod na
hari ay pinatalsik ng mga malalakas na mayor ng palasyo. Ang huling hari ng dinastiyang
Merovingian na si Childeric III ay pinatalsik ni Pepin III upang itatag ang
dinastiyang Carolingian.
Dinastiyang Carolingian
Nagmula ang pangalang Carolingian sa malaking
bilang ng miyembro ng pamilyang nagdadala ng pangalang Charles. Nakamit ng kanilang pamilya ang
pamumuno nang makuha ni Pepin II ang pamamahala sa kaharian. Sa kanyang
kamatayan noong 714,
sinundan siya ng anak niyang si Charles Martel. Si Charles Martel ang naging
hari ng mga Franks mula 725 hanggang sa kanyang kamatayan noong 741. Hinati ng kanyang
mga anak na sina Pepin III at Carloman ang kaharian. Nang magbitiw si Carloman
sa kanyang tungkulin, si Pepin ang naging nag-iisang hari. Pinatalsik ni Pepin
ang huling Merovingian na si Childeric III at siya ay itinalaga ng Simbahan bilang
hari. Muling nahati ng kaharian sa kamatayan ni Pepin III, subalit ito ay
muling napag-isa sa
pamumuno ng kanyang anak na si Charles, na nakilala bilang si Charlemagne.
Napalawig ni Charlemagne ang kanyang kapangyarihan
sa kanyang pagsakop sa Gaul, Germany, at Italy. Siya ay kinoronahang emperador
ni Pope Leo III noong 800. Ang pagkakaisa
ng kahariang binuo ni Charlemagne ay nahati sa pagkamatay ng kanyang anak na si
Louis the Pious. Sa Kasunduan sa Verdun noong 843, pinaghati-hatian nina
Charles II, Louis II, at Lothar ang kaharian. Ang titulo ng emperador ay
naipasa mula kay Lothar tungo sa kanyang anak na si Louis II noong 855, mula kay Louis II
tungo kay Charles the Bald noong 875, tungo kay Charles III. Nang mamatay si Charles III noong 887, siya ay sinundan ng kanyang
anak na si Louis the Stammerer. Siya ay sinundan ni Louis III.Si Charles the Fat ang huling Carolingian na namuno sa Pransiya . Natapos
ang pamumno ng mga Carolingian nang koronahan si Robert
II ng Pransiya. Dito na nagsimula ang dinastiyang Capetian.
Dinastiyang
Capetian
Ang mga Capetian ay nagmula kay Robert the
Strong, ama ni Robert I na hari ng Pransiya. Si Robert I ay sinundan ng kanyang
anak na si Hugh the Great. Naibalik ni Hugh the Great ang dinastiyang
Carolingian noong 936, ngunit inalis ito ng kanyan anak
na si Hugh Capet nang mahalal siya bilang hari noong 987. Ang mga sumunod na
hari ang nagpalawak ng teritoryo sa mga pananakop na kanilang ginawa. Sa ilalim ng mga Capetian, maraming mga
institusyong pang-administratibo ng monarkiya ang nabuo at
napaunlad.
House of
Bonaparte
Ang House of Bonaparte ay isang imperyal na
dinastiya sa Europa na itinatag ni Napoleon I noong 1804. Si Napoleon I ay
isang lider ng militar ng Corsican na tumaas sa kapangyarihan at bumago sa
Pransiya sa isang imperyo. Ang dinastiya ay naghari sa Pransiya mula 1804
hanggang 1815, at 1852 hanggang 1870.
Si
Napoleon I ang piakakilalang tao sa pamilyang Bonaparte dahil nilikha niya ang
Unang Imperyong Pranses na sumakop sa malaking bahagi ng Europa noong ika-19 na
siglo. Binago niya ang organisasyon ng militar, itinatag ang Napoleonic Code,
at isinaayos ang edukasyon. Si Bonaparte ang itinalagang pinuno ng sandatahan
at siyang nakakaalam ng mga pagbabagong political sa Pransiya. Itinalaga din
siya bilang kagalang-galang na tagapayo sa usaping militar ng bagong
pamahalaan. Noong ika 12 ng Abril nagwagi ang kanyang opensiba laban sa mga
military ng Austrian at Sardinian at nagtungo sa Turin. Ipinagpatuloy ni Bonaparte ang pakikidigma sa Austria at
sinakop ang Milan. Siya ay lumagda sa isang kasunduan sa Duke ng Parma at Duke
ng Modena gayundin kay Pope Pius VI. Ang hukbo ng Austrian ay nanguna ng apat
na beses subalit nagapi ni Bonaparte.
Noong
Agosto 1, ang hukbo ng Pransiya ay nagapi ni Admiral Horatio Nelson sa Digmaan
sa Nile. Pagkatapos ng Digmaan sa Nile, bumuo ng alyansa ang Great Britain,
Austria, Russia, at Turkey laban sa Pransiya. Nagapi ang hukbo ng Pransiya sa
Italy noong 1799. Iniwan ni Bonaparte ang kanyang hukbo at bumalik sa Fance.
Nakarating siya sa Paris noon October 4.
Noong
Enero 1814, ang alyansa ay naglunsad ng mga pag-atake sa Pransiya. Itinuloy
nila ang mga pag-atake hanggang sa mapabagsak nila si Napoleon. Si Napoleon ay
nagbitiw noong Abril 6. Sa Treaty of Fontainebleau, ibinigay sa kanya ang isla
ng Elba at naingatan niya ang titulo ng emperador. Nakarating siya sa Elba
noong May 4. Noong March 1815, siya ay nagbalik sa Pransiya. Upang labanan ang
hukbo ng alyansa sa Pransiya, bumuo siya ng hukbo, nagtungo sa Belgium, at
tinalo ang mga Prussian noong June 16, 1815. Dalawang araw ang nakalipas, siya
ay nagtungo sa Waterloo at nagkaroon ng digmaan doon laban sa Bristish. Sa
labanan, biglang dumating ang mga Prussian upang palakasin ang British. Si
Napoleon ay kanilang natalo sa Labanan sa Waterloo.
Noong
Oktubre 1815, siya ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Nakita kay Napoleon ang
mga tanda ng sakit na ulcer o cancer. Noong 1821, naging mas malala ang kanyang
sakit. Siya ay namatay noong January 9, 1873, 5:49 PM.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento