RENAISSANCE
SINING
FRANCESCO PETRARCH
NI KYLE
DUMIPNAS
TALAMBUHAY NI FRANCESO
PETRARCH
Franceso
Petrarch ay ipinanganak noong Hulyo,20,1304, sa Arezzo, Italy at namatay noong
Hulyo,1374,sa edad na 70 sa Arquà,
Italy siya ay itinuturing “Ama
ng Humanismo”
at nakatulong sa pagpapaunlad ng muling pagsilang.
LIKHANG SINING NI FRANCESCO PETRARCH
“ llCanzoniere”(Songbook)
Kilala rin ito sa bilang “Rime sparse” nguit ang tunay na ipinangalan
dito ay “Rerum
vulgarium fragramenta”, ito ay
collection ng mga tula ni Francesco Petrarch
PRESYO NG
LIKHANG SINING
$38 na ay katumabas ng ₱1897.13
LUGAR KUNG
SAAN MATATAGPUAN
Arezzo,Italy
REFLECTION
Ang laki talaga ng natututlong ng mga tao na ito
nakapaghikayat sila ng mga tao upang mas mapabuti ang muling pagsilang
|
Si Giovanni Boccaccio
ay isang Italyanong may-akda, makata, mahalagang humanista ng Renasimyento,
at awtor ng isang bilang natatanging mga akdang katulad ng Decameron,On Famous
Women (“Hinggil sa Tanyag na mga Kababaihan”), at ng kanyang panulaan sa
Italyanong bernakular. Partikular na natatangi si Boccaccio dahil sa kanyang
diyologo,na nilalarawang lumalampas sa bersimilitud ng kanyang mga
kasabayan,dahil sila ay mga midyibal na manunulat ng panitikan at kadalasang
sumusunod sa pormulaikong mga modelo para sa katangian, mga tauhan, at
balangkas o takbo ng salaysay. Siya ang itinuturing na “Ama ng Italyanong
panitikang tuluyan” o ng literaturang prosa. Kaibigan at kalihaman ni Boccaccio
si Francesco Petrarca.
Siya ay ipinanganak noong Hunyo 16, 1313 sa
Certaldo, Italy at namatay din doon noong Disyembre 21, 1375. Ang Certaldo ay
isang maliit na bayan may 20 milya ang layo mula sa Florencia. Siya ay
nakapag-aral sa University of Naples Federico II. Noong 1341, siya ay umibig sa
anak ni Haring Roberto ng Naples, isang binibining pinatanyag ni Boccaccio sa
kanyang akda sa ilalim ng pangalang Fiammetta. Isinulat niya ang mga kuwentong
nakapaloob sa The Decameron para sa sa kaaliwan ng dalagang ito at pati na rin
ng Hari ng Naples. Noong 1350 naman, nagbalik si Boccaccio sa Florencia pagkaraan
ng dakilang plaga o salot. Pagkaraang manungkulan sa maraming mga matataas na
tungkulin sa Florencia, nagretiro siya sa Certaldo, ang lugar ng kanyang
kamatayan.
SIKAT NA AKDA NI BOCCACCIO
· DECAMERON
Ang Dacameron ay ang pinakamahusay na panitikang
piyesa ni Giovanni Boccaccio. Nagmula ang pangalan ng akdang Decameron mula sa
Griyegong may kahulugang “sampung araw”. Isang katipunan ito ng isangdaang
(100) mga kuwento, na itinuturing bilang isa sa pinakadakilang mga aklat.
Tinatalakay sa pambungad na kabanata nito ang paglalarawan ng dakilang salot.
Ang orihinal na titulo nito ay “Decamerone”.
William Shakespeare
NI MAXINE DIVINE A. BADE
Si William Shakespeare
ay isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala bilang
pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles at
preeminenteng dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na pambansang
makata ng Inglatera, at tinaguriang “Bardo ng Avon”. Ang mga dula niya ay
naisalin na sa lahat ng pangunahing buhay na wika at mas tinatanghalang ang mga
ito kompara sa iba pang mga mandudula.
Ipinanganak si William
Shakespeare sa Stratford-upon-Avon, Inglatera, noong Abril 1564, ang anak nila
John Shakespeare at Mary Arden. Siya ay bininyagan noong Abril 26, 1564. Naging
asawa ni Shakespeare si Anne Hathaway, na mas matanda sa kanya ng walong taon,
noong Nobyembre 28, 1582 sa Temple Grafton, malapit sa Stratford. Nagbunga ang kanilang
pagmamahalan ng tatlong anak, ang panganay na si Susanna at ang kambal na si
Hamnet at Judith. Namatay si Shakespeare noong Abril 23, 1616 sa lugar kung
saan din siya ipinanganak.
MGA SIKAT
NA AKDA NI WILLIAM SHAKESPEARE
· ROMEO AND JULIET
Ang Romeo at Juliet ay
isang dulang isinulat ni William Shakespeare. Ito rin ay nabibilang sa isang tradisyon ng mga trahedya romances
na lumalawak pabalik sa unang panahon.
· HAMLET
Ang
Trahedya ni Hamlet, Prinsipe ng Dinamarka o Hamlet ay isang trahedya na sinulat
ni William Shakespeare. Pinapaniwalaang sinulat ito sa pagitan ng taong 1599 at
1601. Sinalaysay ng palabas, na sa Dinamarka ang tagpuan, kung papaano
maghiganti si Prinsipe Hamlet sa kanyang tiyo Claudius, na siyang pumatay sa
tatay ni Hamlet, ang hari at kinuha ang trono at pinakasalan si Getrude, ang
ina ni Hamlet.
· JULIUS CAESAR
Ang
Trahedya mi Julius Caesar ay isang trahedya na isinulat ni William
Shakespeare.Pinapaniwalaan na isinulat ito noong taong 1599. Isa ito sa mga
isinulat ni Shakespeare batay sa tunay na mga kaganapan mula sa kasaysayan ng roman, na kinabibilangan ni Coriolanus,
Antony at ni Cleopatra.
REFLECTION
Ang aking aralin ay patungkol lamang sa dalawang taong may
ambag sa renaissance, si Giovanni Boccaccio at si William Shakespeare. Ang
kanilang ambag ay tungkol sa larangan ng Sining at Panitikan. Makikita rito sa
aking ginawang blog ang kanilang talambuhay at ang ilan sa mga karanasan nila.
Habang ginagawa ko itong aralin, naisip ko kung paano kaya kung
maging katulad ko sila? Paano kung makagawa rin ako ng mga libro tulad nila?
Habang iniisip ko yan, naisip ko rin na masaya pala iyon dahil kung nakagawa ka
ng isang magandang libro, maliban sa makikilala ang ito, marami ka ring
mapapasayang tao dahil sa iyong akda.
DESIDERIUS ERASMUS
NI KYLE
DUMIPNAS
TALAMBUHAY NI DESIDERIUS ERASMUS
Ipinanganak noong Oktubre,1466, sa
Rotterdam, Netherlands at namatay noong Hulyo12,1536, Basel,Switzerland. Isa
siya sa pinaka sikat at nakakaimpluensiya sa Rotterdam at siya rin ay naging
isa sa mga pinkadakilang tao sa Europa.
LIKHANG SINING NI DESIDERIUS ERASMUS
“In Praise of Folly”
Ang “The Praise of
Folly” ay pumuna sa mga gawi ng katoliko, katlolikong mga teologo, mga monghe,
mga kardinal, mga bishop, Santo papa at mga pari at isa sa mga
dokutmentong prinsipyo na humahantong sa Protestanteng Repormation
PRESYO NG LIKHANG SINING
$19 na
katumbas ng ₱945.83
REFLECTION
Natutunan
ko sakanya na ang laki ang rami pala sa mundo ang naniniwala sa katlosismo sa
Europa at isa na doon si Erasmus na gumawa ng libro tungkol sa kanila
MIGUEL DE CERVANTES
NI JEWSRAEL
C. CAMPANIA
“MAIKLING TALAMBUHAY”
Si Miguel de Cervantes Saavedra ay isang Espanyol na manunulat na sinabing
ipinanganak sa Alcalá de Henares noong Setyembre 29,
1547 at namatay sa Madrid noong Abril 22, 1616. Kabilang sa mga naisulat ni
Miguel de Cervantes ay ang Don Quixote na itinuturing bilang isa sa mga
magandang literaturang nailimbag.
“MGA NAGAWA
NI Miguel de Cervantes”
DON QUIXOTE
Ang Don Quixote o El Ingenioso Hidalgo Don Quijote de la
Mancha (The Ingenious Nobleman Sir Quixote of La Mancha) ay isinulat ni
Miguel de Cervantes at nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay
nailimbag noong 1605 habang ang ikalawang bahagi naman ay nailimbag noong 1615.
Ang Don Quixote ay tungkol sa isang noble na si Alonso Quixano na nagdesisyon
na muling buhayin ang Chivalry at maghatid nang katarungan sa mundo. Ang isang libro
nang Don Quixote ay tinatayang nagkakahalaga nang 3 milyong dolyar at kabilang
sa mga pinakamahal na librong binebenta sa marketa.
NOVELAS EJEMPLARES
Ang Novelas ejemplares ay isang
series na binubuo nang 12 nobela at isinulat ni Miguel de Cervantes sa pagitan
nang 1590 hanggang 1612. Ang isang libro ay nagkakahalagang hindi lalagpas sa
15 dolyar.
“REFLECTION”
Ang aking natutunan mula sa mga ito
ang kahalagahan nang paggawa nang mga magagandang literature tulad nito at kung
papaano ito gagawin
PAGPIPINTA
MICHAELANGELO BOUNAROTTI
NI JEWSRAEL
C.CAMPANIA
“MAIKLING TALAMBUHAY”
Si
Michelangelo di Lodovico Buonarroti
Simoni ay isang Italyanong iskultor na ipinanganak sa Caprese, Republic of
Florence (Italya) noong Marso 6, 1475 at namatay sa Rome, Papal States (Italya)
noong Pebrero 18, 1564.
Kabilang sa mga gawa ni Michelangelo ay ang “Pieta” at ang David na kilalang-kilala sa
buong mundo.
“MGA NAGAWA
NI MICHELANGELO”
DAVID
Ito
ay nagrerepresenta kay David na mula sa Bibliya. Ito ay may taas na 17 feet at
isa sa mga sikat na gawa ni Michelangelo. Ang David ay kasalukuyang nasa
Florence's Galleria dell'Accademia ngunit maraming replica nito ang nagawa at
nagkalat sa iba’t ibang
lugar.
PIETA
Ang
Pieta ay ginawa para sa funeral monument para
sa Kardinal na si Jean de Bilhères. Ang
Pieta ay nagrerepresenta kay Hesus na nasa kandungan ni Maria pagkatapos nang
Crucifixion. Ang Pieta ay matatagpuan sa St. Peter's Basilica, Vatican City sa
kasalukuyan.
“REFLECTION”
Ang
aking natutunan mula sa mga ito ay ang kaalaman tungkol sa mga ito at na ang
bawat estatwa ay may kahulugan at matagal upang gawin kung kaya’t ang paggawa nang mga ito ay hindi madali at
kailangan nang psensya at nang pagtitiyaga.
LEONARDO
DA VINCI
NI RHONYEL ZELWYN V. GALLEGO
MAIKLING
TALAMBUHAY
Si Leonardo da Vinci (Vinci, Italya, 15 Abril 1452 – 2 Mayo 1519, Cloux, Pransiya), ay isang Italyanong
Renasimyentong polimata: isang arkitekto, embalsamador, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor. Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong
tao"
at unibersal na henyo, isang tao na
mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na
nabuhay.
Sa kanyang buong buhay, si Leonardo — hindi alam
ang kanyang apelyido, "da Vinci" na nangangahulugang
"mula sa Vinci" — ay naging isang inhinyero, pintor,
anatomista, pisiyolohista at iba pa. Ang kanyang buong pangalan "Leonardo
di ser Piero da Vinci", ay nangangahulugang "Leonardo, ng ser Piero
mula sa Vinci". Tanyag si Leonardo dahil sa kanyang mga pinintang
larawan, katulad ng Mona Lisa at The Last Supper, gayon din ang mga maimpluwensiyang guhit
katulad ng Vitruvian Man. Nagdisenyo siya ng
mga imbensiyon na pinangunahan ang makabagong teknolohiya, katulad ng helikopter, tangke, gamit ng solar
power, calculator, atbp., bagaman ilan
lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay. Karagdagan pa nito,
pinasulong niya ang pag-aaral sa anatomiya, astronomiya, at inhinyeriyang
sibil.
Sa kanyang mga gawa, iilan lamang ang nanatiling mga pinta niya, kasama ang mga
sulatin (nakakalat sa kanyang mga iba't ibang mga koleksiyon) na may mga guhit,
siyantipikong pagsasalarawan at mga tanda.
LIKHANG
SINING
Ang kanyang buong pangalan
"Leonardo di ser Piero da Vinci", ay nangangahulugang "Leonardo,
ng ser Piero mula sa Vinci". Tanyag si Leonardo dahil sa kanyang mga
pinintang larawan, katulad ng Mona Lisa at The Last
Supper, gayon din ang mga
maimpluwensiyang guhit katulad ng Vitruvian Man.
Ang Lalaking
Vitruvio (Ingles: Vitruvian Man; Espanyol: Hombre de Vitruvio;
Italyano: Uomo vitruviano) ay isang larawang iginuhit ni Leonardo da Vinci noong
dekada 1490. Mayroon itong mga kasamang mga tala hinggil sa mga nagawa ng
arkitektong si Vitruvius. Ang larawang nakaguhit, na
ginawa sa pamamagitan ng panulat at tinta sa ibabaw ng papel, ay naglalarawan
ng pigura o hugis ng isang lalaki na nasa dalawang magkapatong na mga posisyon
na ang mga bisig at mga binti ay magkahiwalay at magkasabay na nakapaloob sa
isang bilog at sa isang parisukat. Ang guhit at teksto ay paminsan-minsang
tinatawag na Kanon ng mga Proporsiyon o, sa hindi kadalasan,
bilang Mga Proporsiyon ng Lalaki. Nakaimbak ito sa Gallerie dell'Accademia sa Venice, Italya,
at, katulad ng karamihan sa mga akdang nasa papel, ay paminsan-minsan lamang
itinatanghal
Sa mga Mabuting Balita ng
mga Kristiyano,
ang Huling Hapunan (tinatawag ding Hapunan ng
Panginoon o Hapunang Mistiko) ay ang huling pagkain ni Hesus na kasalo niya ang Labindalawang
Alagad at iba pang mga disipulo bago ang kaniyang kamatayan.
Naging paksa ang Huling Hapunan ng maraming mga larawang naipinta, at ang isa sa mga pinakabantogay
ang dibuhong nilikha ni Leonardo da Vinci.
Ang Mona Lisa (na kilalá rin bílang La Gioconda) ay
isang ikalabing-anim na dantaong pintang-larawan sa langis sa
isang panel o entrepanyong
gawa sa kahoy na poplar ni Leonardo Da Vinci noong panahong Italyanong
Renasimyento. Pag-aari ang dibuhong ito ng Pamahalaang
Pranses at nakatanghal sa Museyo ng Louvre sa Pransiya na pinamagatang Larawan ni Lisa del Giocondo, kabiyak ni Francesco del Giocondo.
May mga táong nag-iisip na ang Mona Lisa ay ang ina ni Leonardo sa
isang nakaraang alaala.
Ang laman ng larawan ay kalahati ang laki na nagpapakita ng isang
babaeng nilalang na may kabighabighani o enigmatikong pamamahayag ng
mukha. Ang pag-aalangan sa itsura ng ipinintang babae o ambigwidad, ang
kalahating komposisyon ng isang pigura, at ang payak na paghuhulma sa mga hugis
at ang mga ilusyong pangkapaligiran o atmosperiko nito ay isang katangi-tanging
mga katangian na nakatulong sa patuloy na pagiging kahikahikayat nitong
dibuho. May iilang mga akdang-sining ang naging paksa ng pagsusuri,
pag-aaral, mitohilisasyon nito, at iba't ibang mga parodiya ang inialay at
inihambing sa katulad ng dibuhong Mona Lisa.
PRESYO NG
LIKHANG SINING
Ang Mona Lisa ay tinasa sa US $ 100
milyon noong Disyembre 14, 1962. Dahil sa pagkuha ng inflation, ang halaga ng
1962 ay magiging US$800 milyon sa 2017.
NASAAN
ANG MGA LIKHANG SINING NGAYON
Orihinal na isang palasyo ng hari, ang Louvre ay naging isang pampublikong museo sa pagtatapos ng ika-18 siglo. Ito ay matatagpuan sa gitna ng Paris. Mayroong 35.000 mga bagay sa display, ngunit ang pinaka sikat na may Leonardo Da Vinci ng nagpipinta ng Mona Lisa
Ang Santa Maria delle grazie ay isang simbahan at Dominican kumbento sa Milan, hilagang Italya, na kasama sa listahan ng UNESCO World Heritage sites. Ang simbahan ay naglalaman ng mural ng The Last Supper ni Leonardo da Vinci
Ang Vitruvian Man ay nakuha noong
1822, kasama ang isang bilang ng kanyang mga guhit, ng Gallerie dell'Accademia
sa Venice, Italya, at nanatili roon hanggang ngayon.
REFLECTION
Si Leonardo Da Vinci ay isang masipag
at malikhain na tao. Hinahangaan sya ng maraming tao. Sa kanyang mga likhangsining
na mga magaganda. At hanga rin ako sa kanyang pasensya kasi matagal magawa ang
isang likhang sining.
RAPHAEL SANTI
NI CARL VINCENT A. DAVID
Si
Raphael Santi ay isang italyanong
pintor at arkitekto na ipinanganak noong April 6, 1483 sa Urbino, Italy
at namatay noong April 6, 1520. Si Raphael Santi ang pinakamahusay na pintor sa
Renaissance.
Nakilala siya sapagkakatugma at pagkakabalanse ng kaniyang mga likha. Ang ilang halimbawa ng mga gawa ni Raphael
Santi ay ang mga Madonna and Child, Alba Madonna, at Sistine Madonna.
MGA NAGAWA NI RAPHAEL SANTI:
Ø Madonna and Child
·
Ang
Madonna and Child ay nasa Metropolitan
Museum of Art at ginawa ang painting noong 1300 , New York. Ang presyo ng isang painting ng Madonna and Child ay
nakabase sa laki at sa ganda ng pagkaka-paint.
Ø Alba Madonna
·
Ang Alba
Madonna ay nasa National
Gallery of Art, Washington, D.C at ginawa ang painting noong 1510 . Ang presyo ng
isang painting ng Madonna and Child ay nakabase sa lak at sa ganda ng
pagkaka-paint i.
Ø Sistine Madonna
·
Ang
Sistine Madonna ay nasa San
Sisto, Piacenza at ginawa ang
painting noong 1512 . Ang presyo ng isang painting ng Madonna and Child ay
nakabase sa laki at sa ganda ng pagkaka-paint.
REFLECTION:
Ø Ang mga natutunan ko sa topic na ito ay ang
mga nagawa ni Raphael Santi. Natutunan ko rin na siya ang pinakamahusay sa
pagpipinta sa panahon ng renaissance.
AGHAM
NICOLAS COPERNICUS
NI CARL VINCENT A. DAVID
Si Nicolaus Copernicus (The Father of Modern Astronomy) ay isang
astronomo na ipinanganak noong Pebrero 19, 1473 sa Toruń, Poland at namatay noong May 21, 1543 . Si Nicolaus
Copernicus ang bumuo ng teoryang Heliocentric na ang
ibigsabihin ay ang araw ang
sentro ng sistemang solar. Ang teoriyang
ito ni Copernicus ang pumalit sa teoriyang heosentriko (geosentriko) o
teoriyang nagsasabing ang mundo ang gitna ng sistemang solar
MGA NAGAWA NI NICOLAUS
COPERNICUS:
Ø Heliocentric Theory
· Ang heliosentrismo,
kilala rin bilang heliosentrisismo o teoriyang
heliosentriko ay isang teoriyang inilathala
ni Copernicus noong
1543. Ayon sa pahayag ni Copernicus, ang araw, tinatawag na helios sa wikang Griyego, ay
ang gitna ng sistemang solar at umiinog ang mga planeta sa palibot ng
isang nakapirmeng araw.Una niyang inilathala ang sistemang heliocentric sa
kanyang aklat na De revolutionibus orbium coelestium.
Ø
De
Revolutionibus Orbium Coelestium
·
Ang
De revolutionibus orbium coelestium ay isang libro na ginawa ni Nicolaus
Copernicus noong 1543. Nakapaloob sa librong ito ay ang teoryang ginawa ni
Copernicus na Heliocentric Theory. Ang isang libro ng De revolutionibus orbium coelestium ay nagkakahalaga ng $12.79.
REFLECTION:
Ø Ang aking mga natutunan
sa topic na ito ay ang mga naambag o nagawa ni Nicolaus Copernicus katulad ng
teoryang heliocentric.
GALILEO GALILEI
NI RHONYEL
ZELWYN V. GALLEGO
Maikling Talambuhay
Si Galileo Galilei[4] (15 Pebrero 1564
– 8 Enero 1642) ay isang Italyanong pisiko, astronomo, pilosopo at siyentipiko na malapit na
inuugnay sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't ibang mga
astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw (motion),
at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na tinutukoy siya bilang "ama ng
makabagong astronomiya",
bilang ang "ama ng makabagong pisika", at bilang
"ama ng agham".
Tinuturing ang kanyang gawang eksperimental bilang komplementaryo sa mga sulat
ni Francis Bacon sa pagtatag ng makabagong kaparaanang maka-agham. Sumabay ang karera ni Galileo kay Johannes Kepler. Sa mga gawain
din ni Galileo nagsimula ang mga gawi sa makabagong pananaliksik.
Si
Galileo ang unang makabago o modernong siyentipiko at ang unang dakilang
siyentipiko nagpa-usad sa agham pagkaraan muling matuklasan ang dating nawalang
mga mahahalagang pagkakatuklas na nagawa sa sinaunang Greyigo (nawala ang mga
ito noong Mga Panahong Madilim at Gitnang mga Kapanahunan). Tinuturing na isang mahalagang pagkakataon ang
mga gawa ni Galileo mula ng kay Aristotle. Karagdagan pa nito,
tinatanggap ang kanyang pagsalungat sa Simbahang Katoliko Romano bilang isang pangunahing unang halimbawa ng
pagsalungat sa awtoridad at kalayaan ng
pag-iisip, partikular sa agham,
sa Kanlurang Lipunan.
Ang Natuklas
Noong Hulyo 1609, natutunan ni Galileo Galilei ang
tungkol sa isang simpleng teleskopyo na binuo ng mga gumagawa ng makina ng
Olandes at sa lalong madaling panahon ay binuo ang isa sa kanyang sarili. Noong
Agosto, ipinakita niya ito sa ilang taga-Benesiya na mga negosyante, na
nakakita ng halaga nito para sa mga barko ng pagtutuklas at binigyan si Galileo
ng suweldo upang gumawa ng ilan sa kanila. Ang ambisyon ni Galileo ay nagtulak
sa kanya na magpatuloy, at sa taglagas ng 1609 ay ginawa niya ang nakamamatay
na desisyon na ibalik ang kanyang teleskopyo patungo sa kalangitan. Gamit ang
kanyang teleskopyo upang galugarin ang uniberso, nakita ni Galileo ang buwan at
natagpuan na ang Venus ay may mga phase tulad ng buwan, nagpapatunay na ito ay
pinaikot sa paligid ng araw, na pinabulaanan ang Aristoteliandoctrine na ang
Daigdig ang sentro ng uniberso. Natuklasan din niya na ang Jupiter ay may
umiikot na mga buwan na hindi umikot sa paligid ng planetang Earth. Noong 1613,
na-publish niya ang kanyang mga obserbasyon ng mga sunspots, na nagpatibay din
sa Aristotelian doktrina na ang araw ay perpekto.
Presyo ng natuklas na gamit
Ang presyo ng teleskopyo ni galileo
ay $160
Nasaan ang kanyang
natuklas ngayong panahon
Museo Galileo, the
former Istituto e Museo di Storia della Scienza (Institute and Museum
of the History of Science) ay matatagpuan sa Florence, Italy, sa
Piazza dei Giudici, sa tabing ilog Arno at malapit sa Uffizi Gallery.
Reflection
Ang paksa na pinili ko para sa aking proyekto ay si Galileo Galilei. Sa pasimula ay akala ko na ito ay magiging mahirap. Ngunit noong ako ay nag-research doon kung saan mayroong mahirap mga bahagi meron rin itong kasamang saya. At masaya din kung paano niya ginawa / pinabuti ang teleskopyo, Magkano kaya ang pera na iniimbag niya dito, ang kanyang buhay, Saan ang kanyang orihinal na teleskopyo, at higit pa.
BIG FAN <3<3<3
TumugonBurahin