Pag-usbong ng Pransiya

Ang France o Pransiya ay isa sa mga tanyag na mga bansa , isa ito sa pinakamatndang bansa sa ating mundo. Ito ay pinamumunuan ng iisang pinuno. Ito ay isang malayang bansa sa kanlurang Europa. Nang magkaroon ng digmaan sa pagitan ng Protestanteng Huguenots at Katolikong Pranses  noong 1560, Namuno na si Henry IV na tinatwag ding “Good King Henry”. Siya ang unang hari mula sa angkan ng mga Bourbon. Siya ay namuno simula 1572 hanggang 1610, sa kanyang pamumuno nag proklama siya ng Edict of Nantes ito ay nagbibigay karapatan sa mga Huguenot na ipagpatuloy ang kanya-kanyang paniniwala ito ay naging paraan upang malutas ang alitan sa relihiyon ng mga mamamayan ng Pransya. Naging mapayapa ang pamamahala ni Henry IV.  Ang kanyang anak na si Louis XIII ang nagman ng trono. Siya ay namuno simula 1610 hanggang 1643. Siya ay isang makatarungang pinuno ayon sa kanyang mga nasasaupan. Naghirang siya ng isang punong ministro, si Kardin Amand Richelieu. Siya  ang nagpalakas ng pamamahala ni Loius XIII, nabuwag niya ang hukbo ng maharlika at ginawang tagasilbi sa korte ng hari ang mga maharlika. Nang mamatay si Louis XIII, ang kanyang anak na si Louis XIV ang nagmana ng kaharian. At dahil siya ay limang taong gulang pa lamang siya nagkaroon siya ng isang punong ministro, si Kardinal Jules Mazarin siya ang nagpatuloy sa mga naunang patakaran ng mga kardinal na magpalkas ng kapangyarihan ng kanilang hari. Dahil sa buwis na ipinatawc ni Kardinal Mazarin nagaroon ng pag-aalsa na tinawag nilang Fronde. Nang pumanaw si Mazarin, si Louis XIV na mismo ang namuno sa Pransiya. Ang kanyang naging pamamahal ay tungkol sa kagalingan at karangalang natamo ng Pransiya at siya ay binansagn bilang Sun King. “Letat c moi” na nangangahulugang “Ako ang estado”  ay nagmula kay Louis XIV. Naging mapayapa at sentralisado ang kanyang pamumuno. Nagkaroon din siya ng mga proyekto katulad ng; 
 a.)Nagpatayo siya ng magarbong palasyo na matatagpuan sa Versailles. Meron itong marmol na disenyo. Ginagamit itong museo sa panahon ngayon,at meron itong 700 na kwarto, 2 000 na bintana, 1 250 tsimenea, at 67 na hagdanan.
b.)Nilipat niya ang kanyang kaharian sa versailles pati ang mga aristokratang naglilingkod sa kanya
c.)Nag-imbita ng mga artista na magtanghal sa palasyo ng Versailles upang mapaunlad ang sining,musika,drama, at panitikan.
d.)Ginawa niyang Pranses ang wika  ng bansa.
e.)Hinikayat niya ang mga dayuhan na magtayo ng kolonya upang tumaas ang kanilang bnsa
f.) Nag panukal siya ng mga buwis na mkkabuti sa bansa.
g.)Nagpagawa siya ng mga barko, kanal, at mga daan upang mas madaling makapag-angkat ng mga produkto o mapadali ang mga buhay ng mga mamamayann
h.)Bumuo siya ng bagong hukbong pandagat upang mapanatiling ligtas ang bansa
i.) Hiningkayt niya ang mga tao upang magtatag ng kanya-kanyang industriya sa pamamagitan ng pag-hingkayat sa mga dayuhan na ibahagi ang kanilang kasnyn.

Si Louis XIV ay namuno ng mapayapa sa loob ng 17 taon. Napanatili niya ang kaayusan ng bansa. Nang siya ay pumanaw noong 1715, halos nawal ang kayamanan ng bansa dahil humina ang kahariang pinamunuan niya.

Reflection:
       Ang Pransiya ay isang bansa na puno ng historiya, sa kabila ng mga pagsubok na naganap nanatili itong maayos at masagana. Dahil sa kanilang mga naging pinuno umangat ang kanilang ekonomiya. Ang kanilang mga nagawa ay tunay na nakatulong sa kanilang bansa. Sa pagdaan ng panahon hindi mawawala ang memorya ng mga nangyari sa bansa, kahit gaanon katagal maibabalik at maibabalik parin ang nga nangyari dati.


                                                                                                     -Herschel Desireinne R. Doyo

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Krusada: Isang Makasaysayang Pag-Alpas