MERKANTALISMO
Ang blog na ito ay binuo ng limang estudyanteng nagnanais na magbigay alam sa mga mambabasa tungkol sa isang sistemang namayani na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig, na ang konsepto ay ang yaman ng bansa ay nababatay sa kabuuang dami ng ginto at pilak. Ang kaisipang sistemang ito ay tinatawag na: Alam mo ba? Noong unang panahon, Merong isang namayaning sistemang pang-ekonomiya ang gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig. Pinaniniwalaan nitong ang bansa ay mapapayaman sa pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta sa pag-export. Ito ay tinatawag na Merkantalismo, na nababatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto’t pilak. Nasimulan ito noong ika-16 hanggang ika-18 siglo. Nagkaroon ng ganito dahil sa paniniwala ng mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto’t pilak sa katuparan ng kanilang adhikain. Pinaniniwalaan nila na katumbas ng kapangyarihan ang yaman. Naniniwala r